Kalambingan ay mga aso

Tempo Desk
1 Min Read
ROCCO Nacino (FB)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

ROCCO Nacino (FB)
ROCCO Nacino (FB)

DAHIL hiwalay physically sa kanyang girlfriend na si Melissa Gohing dahil sa En­hanced Community Quaran­tine (ECQ), binubuhos na lang ni Rocco Nacino ang kanyang paglalambing sa kanyang mga alagang Corgis na sina Valentine, Arrow, at Cloud.

Ani Rocco, ang mga aso daw ang nagpapasaya at naglilibang sa kanya ilang linggo mula nang ipatupad ang ECQ.

Na-realize nga niya na sa sobrang busy niya noon, hindi na niya napansin na nawalan siya ng panahon sa kanyang mga fur babies.

Ngayon ay tine-take ad­vantage ni Rocco ang pag­kakataon na maka-bonding ang kanyang mga alaga.

Buong araw nga niya kasa­ma sina Valentine, Arrow at Cloud mula sa paggising niya, pag-wo-workout, at pag-ikot-ikot sa bahay.

Siyempre pa, ibinahagi niya sa mga fans ito. “Shar­ing my OOTD with my corgis, since I realized during this ECQ that I haven’t really spent enough time with them when I was busy with tap­ings and shoots. Thank you for always making me smile pups!” post ni Rocco sa IG.

Share This Article
4 Comments