Erich at Julia, friendship over na?

Tempo Desk
2 Min Read
JULIA Barretto, Erich Gonzales


BY ROWENA AGILADA


Nagkakalabuan nga ba sina Erich Gonzales at Julia Barretto?

JULIA Barretto, Erich Gonzales

Diumano, sumama raw ang loob ni Julia kay Erich noong hindi siya nito ipinagtanggol sa kasagsagan ng isyu nila ni Gerald.

Baka naman, umiwas lang sa gulo si Erich at ayaw niyang madamay sa kontrobersiya at isiping nakikisawsaw siya?

May tsika pang diumano, ayaw ni Erich kay Gerald para kay Julia.

No show nga siya sa birthday party ni Julia.

Wala ring birthday greetings si Erich para kay Julia sa socmed.


Bagong bahay?

DEREK Ramsay and Ellen Adarna (IG)

How true kaya na diumano, magpapagawa na naman ng bagong bahay si Derek Ramsay?

Para raw ‘yun sa kanila ni Ellen Adarna.

Wow! Suwerte naman ni Ellen.

Sana lang huwag matulad kay Joanne Villablanca na para sa kanila sana ‘yung ipinagawang bahay ni Derek.

Nag-break sila bago natapos ang bahay.

Inakalang si Andrea Torres na ang magiging reyna ng tahanang ‘yun. Nag-break din sila ni Derek.


Mala-resort

Sa Part 2 ng house tour ni Piolo Pascual sa Batangas na ipinakita sa YouTube vlog ni Vicki Belo, nalaman naming na nasa mataas na lugar pala ang mala-resort na bahay ng aktor. 

PIOLO Pascual (FB)

All-white ‘yun na may jacuzzi, swimming pool at gym.   

Ang daming halaman sa loob at labas ng bahay.

Over-looking sa isang island ang kuwarto ni Piolo.

Mahilig pala mag-paint ang kanyang mommy Amy na doon na pinatira ni Piolo simula noong nagka-pandemya.  

‘Yun ang pinagkakaabalahan ng mommy niya para hindi ito ma-bore.

No wonder, nawiwiling manirahan sa Batangas si Piolo and his mom, ang ganda ng bahay niya. Hindi mo na gugustuhing lumabas pa. 

Share This Article
324 Comments