Paalam, idol

Tempo Desk
2 Min Read
APRIL Boy Regino (FB)

 

BY JUN NARDO

 

 

Nagluluksa ang local mu­sic industry sa pagpanaw ng music icon na si April “Boy” Regino.

Kinumpirma ng kapatid ni­yang si Vingo Regino sa Fa­cebook ang pagkamatay ng kapatid niya sa edad na 59.

 

APRIL Boy Regino (FB)
APRIL Boy Regino (FB)

 

Saad ni Vingo, “Nakaka­lungkot naman ang araw na ito…wala na ang Kuya April Boy ko.”

Nag-trend din sa Twitter ang hashtag na #AprilBoy Regino na laman ang tweets ng ka­lungkutan at pamamaalam.

Most-loved for his hit songs “Di Ko Kayang Tanggapin” at “Paano Ang Puso Ko” noong 90s si April Boy.

Signature look niya ang ma­habang buhok at bull cap.

Nakikiramay kami sa nau­lila ni April Boy. May he rest in peace…

 

May pabahay!

RICKY Gumera
RICKY Gumera

Binigyan ng house and lot ng Godfather Productions producer na si Joed Serrano ang baguhang si Ricky Gumera nang makita niya ang bahay na tinitirhan nito sa Cavite.

Isa si Ricky sa bida sa peliku­lang “Anak ng Macho Dancer.”

Sumasali siya sa male pag­eants at isang ramp at com­mercial model. Pumasa siya sa panlasa ni direk Joel Laman­gan kaya isa siya sa binigyan ng malaking role sa movie.

Ibabawas na lang ni Joed ang house and lot sa share niya sa kikitain ng movie. Pangako kasi ni Joed na divided by 6 ang lahat ng kikitain ng pelikula sa mga bagets na artista.

Nakatakdang magkaroon ng premiere ang “Anak ng Macho Dancer” sa UP Theater para un­cut version ang mapapanood.

Kasama rin sa movie sina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia at Ros­sana Roces.

Share This Article
1 Comment