Osang sinariwa alaala ni Anita Linda

Tempo Desk
2 Min Read
ROSANNA Roces

 

BY REGGEE BONOAN

 

*

 

ROSANNA Roces (IG)
ROSANNA Roces (IG)

“TITA lalong pinalung­kot ng pagpanaw mo ang araw na ito. Ma-miss ka namin nila Direk Adolfo Borinaga Alix Jr., nam­ing lahat, grabe. Dami nating pinagsamahan. Rest in peace, Tita Anita Linda…”

Ito ang caption ni Ro­sanna Roces sa pinost niyang larawan ng na­mayapang aktres.

Ayon kay Rosanna, ha­los lahat ng indie films na nagawa niya ay kasama niya ang batikang ak­tres.

“Halos lahat ng movie ni Adolf nandu’n kami,” kuwento pa ni Rosanna.

“Sa ‘Presa’ kami naging close talaga. Lahat kami doon umani ng award pero kami lang nagka-Urian,” dagdag pa niya.

Maraming baong alaala si Osang kay Anita.

Nandun na yung minsan ay inaya siya ni Anita na mag-walk-out sa shooting ng “Presa.”

“Inabot ng 4AM ang shoot sabi n’ya talaga sa akin, ‘Rosanna, mag al­buroto ka na tapos mag-walk out ka kasunod mo ako gusto ko na umuwi!’ Natawa lang ako di kasi p’wede nasa Correctional kami.”

Naobserbahan rin niya kung paano sumama ang loob ng beterana.

“Sa ‘Padre de Familia’ movie, nu’ng lumapit yung AD (assistant director), nagbingi-bingihan s’ya. Ganun ginagawa niya pag ayaw niya ang kausap niya.”

“Siya rin nagsabi sa akin na mag-produce kaya na­gawa ang ‘Guro.’ Syempre sinama ko siya roon.”

Ang huling pelikula nina Rosanna at Anita na mag­kasama ay ang “Circa.”

“That time, mahina na talaga ang pandinig n’ya, hindi na rin nakakalakad,” kuwento ni Osang.

Share This Article
3 Comments