Nagkulong!

Tempo Desk
1 Min Read
KEN Chan (FB)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

KEN Chan (FB)
KEN Chan (FB)

HOUSEBOUND si Ken Chan hindi lamang dahil sa ongoing enhanced community quarantine kundi dahil nakatrabaho niya noong nakaraang buwan ang aktres na si Sylvia Sanchez na nag-positive kamakailan sa COVID-19.

Nakakaramdam raw ng ilang symptoms si Ken tulad ng dry cough at fatigue.

Hiniwalay na raw niya ang kanyang sarili sa ibang family members sa kanilang bahay.

Aniya, “Wala naman po akong lagnat, pero para naging safe lang, nag-self-quarantine po ako.

“Nagpadala ako ng mensahe kay Tita Sylvia at sa asawa niyang si Art. I wish them well at sana gumaling na silang dalawa. Na­kausap ko rin ang anak nila na si Ria Atayde at okey naman daw ang parents niya.”

Hindi napigilan ni Ken na maging emosyunal sa kanyang #HealingHearts live stream noong Martes.

“Medyo masakit ‘yung mga nangyayari sa’tin ngayon pero ‘wag natin kakalimutang mag­dasal. Ipagdasal natin ‘yung mga taong nahihirapan ngayon sa COVID-19. Pasensya na po, ngayon ko lang nabuhos ‘yung nararam­daman ko sa inyong lahat. Mahi­rap dahil hindi natin alam kung ano ‘yung mangyayari sa’tin pero dasal lang, dasal lang ‘yung kail­angan natin para labanan ‘yung COVID-19.”

Share This Article