SA Facebook Live Chat ni Matteo Guidicelli, direktang tinanong ito ni Nico Bolzico, husband ni Solenn Heussaff, kung buntis na si Sarah Geronimo.
More than a month nang kasal ang dalawa at maingay ang bulong-bulungan na preggy si Sarah kaya minadali diumano ang kasal nila.

Pero negative ang sagot ni Matteo ukol sa isyu.
Aniya, wala pang laman ang sinapupunan ni Sarah dahil ini-enjoy pa nila ang isa’t isa.
Pero diin niya, kung darating ang baby, it’s most welcome.
Nag-joke pa si Matteo na extended honeymoon ang nangyari sa kanilang mag-asawa dahil na rin sa pinapairal na enhanced community quarantine.
Ayon kay Matteo, sa araw-araw na paggising niya ay parang panaginip daw ang makitang kasama niya si Sarah. It’s a “blessing” daw.
NAMAHAGI


Kanya-kanyang paraan ang mga artista sa pagtulong sa frontliners kaugnay ng pinapairal na enhanced community quarantine.
Si Aiko Melendez ay namahagi ng Personal Protection Equipment sa mga healthworkers sa Philippine Heart Center at sa San Marcelino District Hospital sa Zambales kung saan vice governor ang boyfriend niyang si Jay Khonghun.
Namigay naman si Ara Mina ng medical supplies sa iba’t ibang hospitals sa Metro Manila at Bulacan. Pati na rin cupcakes sa healthworkers ng Pasig Medical City at kapulisan.

