Diyos lamang

Tempo Desk
2 Min Read
ELLEN Adarna (IG)

timing tmg tg

 

 

MAKAHULUGAN ang sagot ni Ellen Adarna sa tanong ng isang netizen tungkol sa to­toong estado ng relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Aniya, “Only God can answer this question.”

Wow, dinamay pa ang Di­yos!

ELLEN Adarna (IG)
ELLEN Adarna (IG)

Anyway, nang tanungin na­man ng isa pang mapangusi­sang netizen ng, “I may have been stuck under a rock, but where is JL and your kid?”

Tugon ni Ellen: “It’s better to stay under the rock especially now there’s corona virus.”

Reading between the lines, parang kinumpirma na rin ni Ellen ang tsismis na hiwalay na nga sila ni John Lloyd, ama ng anak niyang si Elias Modesto.

Anyway, nakatulong din si Ellen sa krisis kaugnay sa pananalasa ng nakamamatay na COVID-19.

Agad itong pumayag na ipagamit ang isang establish­ment nila sa Davao City para ma-accommodate ang mga PUI (Person Under Investiga­tion) ng COVID-19 sa kahilin­gan na din ng isa pa niyang ex, si Davao Vice Mayor Baste Duterte.

 

WALA NA?

SYLVIA Sanchez
SYLVIA Sanchez

Nagbabalita na rin ang GMA7 tungkol sa Kapamilya stars. Wala nang network war?

Sa “Chika Minute” segment ng “24 Oras” ay ibinalitang COVID-19 positive ang ABS-CBN star na si Sylvia Sanchez at ang asawa nitong si Art Atayde.

Ibinalita rin ng Kapuso net­work ang pasasalamat ni Arjo Atayde sa mga nagdasal para sa kanyang parents.

Sa inspirational song na “We Heal as One,” ipinakita ang Kapamilya stars na ka-join ng Kapuso stars sa video.

Hmm…hanggang kailan ang truce?

Share This Article