By ROWENA AGILADA
Kung hindi legally adopted si Lotlot de Leon, gano’n din kaya sina Matet, Kenneth at Kiko?
Inamin ni Lotlot kay Cristy Fermin na hind siya legally adopted ng yumaong mommy niya, ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Minor pa lang kasi si Nora nang ampunin niya si Lotlot. Noong nagpakasal sila ni Christopher de Leon, inilagay sa birth certificate ni Lotlot ang pangalan niyang Charlotte Jennifer Villamayor de Leon.
Maria Nora Ana Teresa Villamayor de Leon naman si Matet sa kanyang birth certificate.
Walang binanggit si Cristy tungkol kina Kenneth at Kiko na malamang ay hindi rin legally adopted at De Leon na lang ang ipinagamit na apelyido.
Kuwento ni Lotlot kay Cristy, a day after nailibing si Nora ay kinuha na ni Ian ang lahat ng gamit nito sa bahay na tinirahan nito kasama si John Rendez. Si John naman ay bumalik na sa Pampanga at doon na naninirahan ngayon.
Hindi raw ipinaalam ni Ian kina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko ang pagkuha niya ng mga gamit ng kanilang mommy.
Alam siguro ni Ian noon pa man na hindi legally adopted ang itinuring niyang mga kapatid, kaya sinabi niyang legally speaking, siya ang sole heir ng mga naiwang properties ng kanilang mommy.
Hula
Ayaw na mag-drive ng motorcycle ni Onemig Bondoc. Hinulaan daw kasi siya na mamamatay siya sa motorcycle accident.
Dati’y nagmo-motor si Onemig. But after hulaan siya, natakot na siya mag-drive, aniya.

Going strong ang relasyon nila ni Aiko Melendez na kamakailan ay nagpunta sila sa Siquijor, Dumaguete City.
May nagtanong na netizen kung nagtatrabaho pa raw ba kaya si Aiko sa distrito niya sa QC bilang konsehal? Panay daw kasi ang travel nila ni Onemig.
Ani Aiko, hindi naman niya pinababayaan ang trabaho niya. Nakaiskedyul ang travels nila ni Onemig.
