‘Wilyonaryo’ ni Willie Revillame, mapapanood na sa WilTV simula December 21!

Tempo Desk
2 Min Read

Matatapos na ang mahabang paghihintay ng mga tagasuporta ni Kuya Wil dahil may maaga siyang pamasko sa mga ito!

Yes, opisyal na niyang inanunsiyo sa kanyang Facebook page ang kanyang pagbabalik-telebisyon.

Simula December 21, Linggo, 8 PM, eere na ang kanyang pinakabagong game show na “Wilyonaryo” sa sarili niyang channel, ang WilTV, na mapapanood sa Cignal Channel 10.

Ayon sa anunsiyo sa kanyang Facebook page: “Narito na ang pinakahihintay ninyo! Magsisimula na ang milyon-milyong pa-premyo sa WILYONARYO! Abangan ang maagang Pamasko ni Kuya Wil dahil mapapanood na LIVE na LIVE ang WILYONARYO sa WilTV via Cignal Channel 10 simula ngayong DECEMBER 21, Linggo, 8 PM!”

Layunin ng programa na gawing milyonaryo ang ilan sa ating maswerteng kababayan.

Mamimigay siya ng isa, dalawa, hanggang tatlong milyon kada araw sa mga magre-register at bibili ng tickets sa wilyonaryo.com.

Sa paraang ito, siguradong may tsansa ang lahat na manalo — hindi na kailangang pumunta sa studio tulad noong dati para maging milyonaryo.

At maraming handog na nakakapanabik na games ang show! Bukod sa Wilpick raffle game, kung saan pipili ng kombinasyon ng apat na letra at isang kulay para sa tsansang manalo ng milyon, tampok din ang mga segment na Bigyan Ng Jacket Yan, Spin a Wil, at Hello, Willie, na tiyak na magbibigay-saya sa mga manonood mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Abangan!

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang wilyonaryo.com, pati na ang kanilang official Facebook at YouTube accounts.

Share This Article