By JUN NARDO
Tuwang-tuwa ang lahat na nakasaksi ng pasiklab na performance ng Sparkle artist na si Julie Anne San Jose sa launch ng Pinoy Drop Ball, ang latest pakulo ng Bingo Plus na ginanap sa Grand Manila Hyatt Hotel sa BGC.
Hataw sa pagbirit si Julie Anne at todo sayaw din, huh! Bumaba pa nga siya ng stage para makihataw sa game na game na audience!

Present din si Maine Mendoza sa makulay na piging bilang isa sa celebrity faces ng Bingo Plus. Hindi nga lang siya nagtagal kaya hindi nakausap ng press.
Performer din ang P-pop group na Alamat. Enjoy ang mga accla ng makilaro ang grupo sa kanila ng Bingo Drop Ball.
Take note, limpak-limpak na papremyo ang maaring mapanalunan sa Pinoy Drop Ball dahil may multipliers na involved.
Gustong buhayin ng nasa likod ng game ang mga larong karnabal na traditionally nang tinatangkilik ng mga Pinoy, kasama na ang Color Game at Papula Paputi.
Subukan mo, tiyak na mag-e-enjoy ka!
Todo-suporta!
Talaga namang hindi matatawaran ang pagmamahal ng aktres na si Rhian Ramos sa boyfriend na si Sam Verzosa.
Kahit Linggo na dapat e rest day niya e, in full support si Rhian sa charity event ni Sam na Driven To Heal, huh!

Sa event, nagpa-auction si Sam o SV ang mamahaling luxury cars na ang buong presyo ay higit 200 million pesos! Ang proceeds ay para sa pagpapatayo ng dialysis centers, diagnostic centers sa ilang lugar sa Manila.
“Pandagdag lang ang kita rito, par mas maganda at mas modern ang facilities natin. Bago pa ito, may mga mobile clinics na tayong umiikot sa iba’t-ibang sulok ng Manila. Nais kong makatulong sa ating mga kababayan nang hindi na nahihirapan pa sila sa buhay,” rason ni Sam na aspirant sa pagiging Mayor ng
Manila.
