Newlyweds Juancho at Joyce nasubukan

Tempo Desk
2 Min Read
JUANCHO Trivino and Joyce Pring

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

JUANCHO Trivino and Joyce Pring
JUANCHO Trivino and Joyce Pring

ISANG buwan pa lang ang kasal nila Juancho Trivino at Joyce Pring noong March 9 nang biglang magkaroon ng lockdown sa buong Luzon.

Kaya lahat daw ng plano nilang magbiyahe for their honeymoon ay nakansela la­hat at nag-quarantine sila sa nilipatan nilang condo.

Sa higit na tatlong buwan na quarantine, mas nakilala raw nila Juancho at Joyce ang isa’t isa. Araw-araw ay magkasama sila at hindi raw sila nawawalan ng pag-uusapan.

Sa kanilang YouTube video, sinabi nila ang dahilan kung bakit sila nagpakasal agad kahit na wala pang one year ang kanilang relasyon bilang magsyota.

“In the beginning of our relationship before I let Juancho court me, I actually told him that I want to get married with the person I’m going to be with the next time. So if I’m going to have a boy­friend, I want to see that person as someone that I will marry,” sey ni Joyce.

Wala naman daw pagtanggi rito si Juancho at nagpasala­mat ito kay Joyce sa pagtang­gap sa kanya bilang parte ng buhay niya.

“Joyce was the first person who accepted me for who I am, for what I have, and for what I can give in a relationship. She accepted me as a person. She loves my friends and family, first ko nakakita na sobrang bilis na maka-click with other people. I love that about her dahil ramdam ko talaga ‘yung genuine love niya and ac­ceptance, not only to me but sa pamilya ko rin, sa mga kaibigan ko.”

Malaking challenge daw sa newlyweds ang pagkakaroon ng lock­down dahil kapwa na­sanay silang may busy na schedule.

Pero ang pagdarasal daw ang naging epekti­bong paraan nila para ma-survive nila ang bawat araw na dumaan.

Share This Article
242 Comments