
MARAMING Pinay ang naka-relate sa pag-amin ni Julia Barretto na hindi ito kumportableng magsuot ng bra.
Naging usap-usapan nga ang revelation na ito ni Julia na ginawa niya kamakailan lang sa “Tonight With Boy Abunda.”
Ani Julia, “Hindi talaga (ako) kumpor-table magsuot ng bra…walang kakapitan iyong bra.”
Sinundan ni Julia ang pag-amin via Twitter kung saan nag-post siya ng ritrato niya na bumibili ng sandamakmak na mga nipple tape.
Apparently, mas trip niyang takpan na lang ang kanyang mga nipples ng mga ito rather than putting on a bra.
Sabi pa nga niya, “100 NIPPLE TAPES KASI ITO LANG ANG KAYANG KUMAPIT.”
Pinuri siya ng karamihan dahil dito.
Sey ng isa, “Kaya love kita kasi nga totoo ka sa sarili mo…”
“I could super relate,” ani naman ng isa pa.
Dagdag ng isa pa, “Her honesty is so adorable.”
Hindi naman nagpatalo ang isa pa na nag-comment ng, “Long live the queen of the flat-chested community!”
Ayos daw ito kay Julia.
Sabi nga niya sa ABS-CBN News, “I’m just glad that a lot of people can relate (to) it. Dapat may magtaas ng bandera and I guess I’m the one who did that for the flat-chested community.”
Mabuhay ka Julia! (DELIA CUARESMA)
