Belle Mariano, may pakilig na bagong album!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

May bagong handog si Belle Mariano sa kanyang mga fans!

Ito ay mga awiting tungkol sa iba’t ibang estado ng pag-ibig.

Angkop sa Love Month ang bagong offering na ito ng new gen phenomenal actress-singer, huh!

Pinamagatang “Like U” naglalaman ang latest StarPop release ng walong kanta na tungkol sa pagkahulog sa pag-ibig, pagiging heartbroken, paghilom, at pagkakaroon ng bagong pag-asa.

Kabilang sa mga awitin ang “The Puzzle” at “Makulay” na isinulat nina Jonathan Manalo at Roque “Rox” Santos, “Numbers Don’t Lie” na mula sa komposisyon ni Rox, “Pintuan” at “Like You” na binuo ni Trisha Denise, “Magdadala” at “Get Out” mula kay Jonathan, at “Nowhere Now Here” na hango sa panulat ni Dennis Campañer. Si Rox din, ang StarPop label head, ang nagsilbing overall album producer.

Nagsisilbing key track ng album ang “Like You” na tungkol sa pagkakatagpo sa isang tao na may presensyang nakakabuti sa lahat ng aspeto.

Sinusundan ng music drop ni Belle ang announcement ng kanyang reunion film kasama si Donny Pangilinan na “Tayo Sa Wakas,” ang bagong aabangang proyekto niya mula sa Star Cinema.

Ginawaran si Belle ng Listener’s Choice award sa Billboard Philippines Women in Music at Lullaby Artist Award ng Spotify noong 2024.

Siya ang nasa likod sa iba’t ibang hits tulad ng “Bugambilya,” “Sigurado,” “Tanging Dahilan,” at iba pa.

Napapakinggan na ang “Like U” album ni Belle sa iba’t ibang streaming platforms.

Share This Article