Anne, binalikan ang sampalan ng nakaraan!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Hot topic na naman si Anne Curtis.

Ito ay matapos maungkat ang isang kontrobersiya na kinasangkutan niya years back kung saan pinagsalitaan ng aktres diumano ang ilan pang celebrities to the effect na: “I can buy you, your friends, and this club.”

Mariing pinabulaanan ni Anne na sinabi niya ang linya sa isang episode ng “Ang Walang Kwentang Podcast” nina Antoinette Jadaone at JP Habac.

Pero dahil nga very “iconic” na raw ang linya e, aakuin na rin lang niya ito.

Sey niya, “Sinabi ko ba talaga ’yun? So that I can own up to it kung sinabi (ko). Sabi ng mga friends ko, ‘No, you didn’t say it.’ Sabi ko, ha? All this time? But you know what, it’s so iconic now (that) I’m gonna own it.”

May ilang fans ang napataas ang kilay. Obvious na sariwa pa sa alaala nila ang insidente, huh!

May isa nga na hindi nakapagpigil at agad sinita si Anne via social media.

Aniya: “So are you now claiming that JR Isaac – one of the three people you slapped including John Lloyd Cruz was lying?”

Diin pa ng netizen: “Pretty and tisay privilege is real. If it were another female celebrity who did that, she would be labelled forever palengkera, squammy, classless.”

Hindi nagpatinag ang aktres. Agad ito bumwelta.

Aniya: “Hiiii…not completely some of what he said was true and years ago I owned up to it, apologized to those involved (and also received an apology back) but most importantly, I learned my lesson from it..I’m just talking about the famous line and what my friends told me. But you know what? It all happened ages ago and all those involved are in good terms so it doesn’t matter anyway…”

E, yun naman pala e.

Nagkapatawaran na naman pala e.

So, kung nakapag move on na ang mga involved, move on na rin mga mars.

‘Yun na!

Share This Article