Kinorek!

Tempo Desk
3 Min Read
SHARON Cuneta (FB)

timing tmg tg

 

 

BAGAMA’T panig sa kanya sa gitna ng kontrobersya hinggil sa kinita ng online fundraising concert niya, na diumano’y diretso lamang sa bulsa niya, kinorek ni Sharon Cuneta ang isang supporter niya sa sinabi nitong hindi ito mangyayari dahil milyo­narya ang aktres-singer. Hirit ng Megastar, bi­lyonarya siya since her 30’s pa.

Bongga! Tameme ang basher na nagduda sa Megastar!

SHARON Cuneta (FB)
SHARON Cuneta (FB)

Ang online fund­raising concert ni Mega na “Sha­ron: Love and Music,” ay para sa Pantawid ng Pag-ibig program ng ABS-CBN.

Taliwas sa unang napabalita na P2-M lang ang kinita nito, giit ni Sha­ron over P5-M ang totoong nalikom nila.

Nagka­roon lang daw ng confusion dahil hindi na inanun­syo ang ibang donations, kasama ang P100,000 na bigay ng kaibig­ang si former Senator Jinggoy Estrada.

Bago ito, nagpaluwal na si Shawie ng P5-M para sa iba’t ibang relief operations.

Nag-donate pa si Sharon ng P1-M sa online fund-raising con­cert ni Regine Velasquez; at P3-million naman kay Angel Locsin para sa mga tent na ibinahagi nito sa iba’t ibang hospitals.

Ani Sharon, nalulungkot siya na may mga taong minamasama pa ang pagtulong niya sa kapuwa na galing sa puso. Pinagdududahan pa ang pagkakawanggawa niya.

Oo nga naman!

 

ROBIN Padilla
ROBIN Padilla

INAMO

Sa video message ni Robin Padilla para sa kapatid na si BB Gandanghari, inamo niya ito at sinabing tigilan na ang pag­tatampo.

The past few weeks kasi may pa-emote si BBG na hindi man lamang siya kinukumusta ng pamilya niya lalo na nang kumalat ang balitang patay na siya. Ipinaparamdam daw ng mga ito na parang wala siyang kuwentang tao.

Ani Robin, maraming nangyari sa pamilya nila nang pumasok ang 2020. Isa na rito ang pagkakaroon niya ng back injury at one month siya sa ospital, ang pagka bedrid­den ng Mommy Eva nila at ang pagkamatay ng asawa ng kapatid na si Royette.

“Mahal ka namin. Marami lang nangyari sa pamilya natin,” giit pa ni Robin kay BBG.

Share This Article
2 Comments