Aktibo

Tempo Desk
2 Min Read
DELA CRUZ sisters, ANGELIKA and Mika (FB)

 

BY REGGEE BONOAN

 

*

ANGELIKA and Mika dela Cruz (FB)
ANGELIKA and Mika dela Cruz (FB)

UNANG araw pa lang ng En­hanced Community Quaran­tine (ECQ) ay katuwang na ni Barangay Kapitana Angelika dela Cruz ang kapatid niyang si Mika dela Cruz sa pagha­hatid ng relief goods sa mga nasasakupan niya sa Barangay Longos, Malabon.

Kilala namin si Shine (tawag namin kay Angelika) na matu­lungin sa mga ka-barangay dahil ito ang nakagisnan niya.

Bata palang siya ay marami ng tao lagi sa bahay nila dahil ang kanyang daddy Ernie ang takbuhan ng lahat.

Kaya nga bago pa man pina­sok ni Kapitana Angelika ang showbiz ay malapit na siya sa tao. Pero dahil tisay, inakalang sup­ladita siya.

Anyway, aktibo sa kanyang Insta­gram account si Shine. Lahat ng nagaganap sa barangay niya ay pinopost niya pati ang pag disinfect sa buong Longos, pagre-repack at pamimigay ng pagkain.

Pino-post din niya ang mga curfew viola­tors at mga hindi nakasuot ng facemask.

Pinakiusapan ni Angelika ang mga nahuli na makisama at sumunod para sa ikabubuti ng lahat.

Tawang-tawa kami sa pinost niya ukol sa tumatakas sa cur­few na nagtalukbong ng gar­bage plastic at tumabi sa mga basurahan para hindi halata.

Ang caption ni Angelika, “Ganito raw magtago ang cur­few violators sa mga tanod at pulis, ingat lang din baka ma­hakot kayo ng garbage truck.”

Samantala, may sumulat naman kay Angelika ukol sa nakitang ‘tiktik’ sa isang bahay sa area nila.

Aniya, “Pag Kapitana ka la­hat ng uri ng tao makaka-salamuha mo at lahat ng reklamo maririnig mo pero ‘yung ganito matatawa ka nalang hehe ang sagot ko na­lang sa kanya, ‘kuya ghostbusters po ang kailangan sa ganyan.’”

Share This Article