Tuloy pa rin

Tempo Desk
2 Min Read
MAINE Mendoza

timing tmg tg

 

 

PATULOY pa rin ang pamimigay ni Maine Mendoza ng isang libong pisong financial as­sistance sa mga nangangail­angan.

More than a month na niyang ginagawa ito since pinairal ang Enhanced Community Quaran­tine (ECQ).

Mula sa kanyang fans ang mga donasyon at sobrang thankful si Maine sa patuloy na pagbibigay ng suporta ng mga ito sa kanyang fund-raising drive.

MAINE Mendoza
MAINE Mendoza

Pinag-iingat lang niya ang kanyang supporters sa mga gumagamit ng kanyang mukha at pangalan to cre­ate fake accounts. Para daw makasig­uro, i-check muna ang official Face­Book account ni Maine.

Sa isang inter­byu naman kay Sylvia Sanchez, pi­nuri niya at pina­salamatan si Maine na ipinagla­ban nito ang anak niyang si Arjo Atayde. Ani Sylvia, maganda ang career ni Maine at baka maapektuhan sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Arjo. Obvi­ously, walang pakialam si Maine sa kung anong iisipin ng iba. Nagpakatotoo lang siya sa sarili at sa nararamdaman niya.

Ayon pa kay Sylvia, mahal na mahal ni Arjo si Maine. Well, worth it naman palang ipaglaban ni Maine si Arjo.

 

HEART Evangelista (FB)
HEART Evangelista (FB)

SOSYAL

Sosyal talaga si Heart Evan­gelista. Imagine, ang pantulog niya ay ang mamahaling Fendi stockings? Sabagay, can afford naman siya.

May katabi pa siyang aso sa kama. Bakit kaya hindi ang hus­band niyang si Governor Chiz Es­cudero ang kanyang katabi?

 

Pia-Wurtzbach
PIA Wurtzbach
JUDY Ann Santos (IG)
JUDY Ann Santos (IG)

NAG-DONATE

Sino naman kaya ang mag­kakainterest bilhin ang mga gown nina Judy Ann Santos at Pia Wurtzbach na idinon­ate nila sa isang fashion shop?

Ang proceeds ay iba­bahagi sa frontliners kaugnay ng umiiral na ECQ.

Nag-donate rin si Juday ng ilang clothes, shoes and bags. LV bags and branded shoes na­man ang kay Pia.

Share This Article
126 Comments