Alden Richards may patutsada

Tempo Desk
2 Min Read
ALDEN Richards (FB)

timing box

 

 

PALAISIPAN kung sino ang tinu­koy ni Alden Richards sa isang recent Twitter post.

ALDEN Richards (FB)
ALDEN Richards (FB)

Ani Alden, “Never regret being a good person to the wrong people. Your behaviour says everything about you and their behaviour says enough about them.”

Naku, huh! Ang lalim ng hugot ni Alden. Sino kaya ito?

Mukhang nasa­gad na ang kabuti­han at pasen­siya ni Alden sa taong ‘yun – kung sino man siya.

Isa siya sa pinakamabait at mabuting tao sa showbiz si Alden, kaya nakakain­triga kung sino itong taong ito na tila nagsamantala o nang-abuso sa kanya.

Or puwede naman na nai-share lang ni Alden ang mga katagang ‘yun bilang paalala, diba? Whatever!

 

JM de Guzman (IG)
JM de Guzman (IG)

JOIN NA RIN

Nag-join na rin sa mili­tary sina JM de Guzman at Kiko Estrada. Nagsimula na sila mag-training with the Phil­ippine Air Force as reservists.

Maraming celebrities ang naeengganyong pumasok sa military lately, huh!

Handa ba naman kaya silang sumabak sa labanan sakaling hingin ng pagkakataon?

Kabilang sa mga naunang nag-join sa military ay sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Ejay Falcon, Nash Aguas, Elmo Magalona, Jerome Ponce at Yves Flores.

Kamakailan ay nag-training din sa military si Winwyn Mar­quez

 

BIANCA Umali (IG)
BIANCA Umali (IG)

LUCKY GIRL

“Happy ako, happy siya, happy kami.” ‘Yan ang sabi ni Bianca Umali kaugnay ng namamagi­tang relasyon nila ni Ruru Ma­drid.

Nagniningning ang mga mata ni Bianca at very meaningful ang kan­yang smile nang sabihin niya ang mga katagang ‘yun.

So, no need na umamin na offi­cially together sila ni Ruru Madrid.

Lucky na sa ca­reer, tila lucky rin sa kanyang love life ang seksing Kapuso star.

Wala na siyang mahihiling pa, ayon kay Bianca.

Lucky girl, indeed!

Share This Article