Catriona Gray hindi takot

Tempo Desk
2 Min Read
CATRIONA Gray (FB)

BY RUEL J. MENDOZA

*  *  *

CATRIONA Gray (FB)
CATRIONA Gray (FB)

TODO rampa si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Italy para sa Milan Fashion Week na ginanap noong Feb. 18-24.

Ito sa kabila ng banta ng COVID-19 virus sa naturang bansa.

Kabilang ang bansang Italy sa naapektuhan nang pagkalat ng COVID-19 virus pero tila nga hindi sapat iyon para mapigil ni Catriona na umeksena sa iba’t ibang fashion events sa Milan.

Pero naging maingat naman daw si Catriona at nagpasalamat ito sa mga naging concern sa kanyang kalusugan.

“Thanks to everyone who been messaging about my whereabouts and safety in Milan due to the virus,” aniya sa isang socmed post.

“I’ve been home in Manila since a few days ago but am praying for everyone, for healing and for comfort in these nerve-wracking times.  Let’s all stay vigilant and safe,” dagdag pa niya.

Pinost ni Catriona ang ilang mga kuha sa pagrampa niya sa streets of Milan.

Kabilang dito ang kanyang mga impromptu photo shoots sa tapat ng famous Duomo di Milano in Italy.

Namangha rin ang 8.8 million followers ni Cat sa IG sa kanyang bonggang Dolce & Gabbana ensemble at ang naging look niya sa Versace Autumn Winter 2020 show.

Share This Article