By Ariel Fernandez
Isang 30-anyos na lalaki ang inaresto ng mga operatiba ng PNP Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 matapos na maaktuhan na gumagamit ng illegal drug sa loob ng comfort room.
Nakilala ang suspect na si Vincent Apion Pascual, nakatira sa 15th Street corner 2nd Street Villamor Airbase, Pasay City.
Base sa investigation ni SPO3 Dennis Ragma ng PNP Aviation Security Group, dakong 9:20 a.m. nitong Linggo nang magsumbong ang janitor na si Danny Pones na ang suspect ay nakakaabala sa comfort room sa arrival area ng NAIA terminal 3 dahil nag-lock siya sa loob ng cubicle.
Nang lumabas ng cubicle, nagtapon ang suspect ng isang bagay sa basurahan.
Nang tingnan ng janitor kung ano ang itinapon ng suspect, nakita niya ang mga ginamit nito sa pagbatak ng shabu tulad ng aluminum foil at sachet na pinaglagyan ng nasabing illegal drug.
Dahil dito, agad na nagsumbong ang janitor sa mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspect.
917445 2234Hello there, just became alert to your blog through Google, and found that its actually informative. Im going to watch out for brussels. I will appreciate in case you continue this in future. Several folks is going to be benefited from your writing. Cheers! 377930