Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Marion Josef del Rosario, 24.
Ayon sa MPD, pauwi ang biktima kasama ang kaibigang si Keith Ibanez, 24, sa Estrada St. pagkatapos kumain sa isang steakhouse sa Malate nang dumating ang isang taong nakasakay ng orange na motorcycle at nakasuot ng helmet.
Bumunot ng baril ang suspect at binaril ang biktima sa ulo na kaagad nitong ikinamatay. Tumakas ang suspect samantalang humingi ng tulong si Ibanez upang maipagbigay alam ang insidente sa mga otoridad.
Narecover ang isang basyo ng bala malapit sa katawan ng biktima. Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes sa Manila. (Analou de Vera)
23469 414582Im not that significantly of a internet reader to be honest but your blogs really good, keep it up! Ill go ahead and bookmark your internet site to come back down the road. Cheers 778404