Janine, inalmahan ang fake video!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Umalma ang aktres na si Janine Gutierrez laban sa lumalalang pagkalat ng AI-generated videos at photos na ginagamit umano ang mukha at boses ng mga artista para sa malisyosong layunin.

Sa isang post sa kanyang X account, ibinahagi ni Janine na kinailangan na niyang i-report ang isang “creepy” o nakakatakot na AI video na kumalat online kung saan ginamit ang kanyang mukha at boses nang walang pahintulot.

Hindi niya nagustuhan ang naturang content, lalo na’t maaari itong makapanlinlang sa publiko at makasira sa reputasyon ng mga artistang sangkot.

Ayon sa kanya, “Had to report a creepy AI video of my face and voice! Be vigilant guys and discerning when you watch videos online, baka fake. These days, we all have to learn how to distinguish AI from real and fake news from facts.”

Ang pahayag na ito ni Janine ay nagsisilbing babala hindi lamang sa kanyang mga tagahanga kundi sa lahat ng netizens. Sa mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence, mas nagiging madali na ring manipulahin ang imahe at boses ng isang tao. Nagagamit ito sa panlilinlang, paninira, at kung minsan ay sa mas mapanganib pang mga modus.

Marami namang netizens ang bumilib sa pagiging palaban ng aktres. Pinuri siya sa maagap na aksyon at sa paggamit ng kanyang plataporma upang magbigay-babala sa publiko tungkol sa panganib ng deepfakes at iba pang AI-generated content.

 

Share This Article