Ivana, Andrea dedma!

Tempo Desk
1 Min Read


BY ROWENA AGILADA


IVANA Alawi (IG)

Ayaw patulan ni Ivana Alawi ang isyung diumano’y sinabi niyang hindi niya type sina Derek Ramsay at Gerald Anderson dahil raw mukhang mga du­gyot at mabaho ang mga ito.

Aniya sa kanyang vlog, ayaw niyang idepensa ang kan­yang sarili sa kasi­nungalingan. Alam daw ng mga fans at mga taong nagma­mahal sa kanya na hindi siya gano’ng klaseng tao.

Hindi raw siya mapanglait.


Boto kaya?

ANDREA Torres

Dedma rin si An­drea Torres sa tila pagkakamabutihan ng magkapitbahay na sina Derek Ram­say at Ellen Adarna. Ito nga at madalas makita ang dala­wang magkasama at very sweet pa!

Puring-puri si An­drea ng mommy ni Derek noong sila pa.

Ano kaya ang masasabi nito kay Ellen? Boto rin kaya siya na maging girl­friend ni Derek si Ellen kung sakali?

Maraming mga netizens ang natu­tuwa sa landiang Derek at Ellen.

Anila, bagay ang dalawa dahil pareho daw itong “mapagla­ro” sa pag-ibig.

Wow, huh!

Share This Article
1 Comment