Erich, may pa-ani

Tempo Desk
2 Min Read

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

ERICH Gonzales (FB)
ERICH Gonzales (FB)

May mini-farm si Erich Gonza­les sa likod-bahay nila.

Ipinasilip niya ito sa kanyang mga fans via her YouTube vlog.

Doon makikita kung paano niya hina-harvest ang mga tanim niyang kalamansi, dahon ng malunggay at saging na saba.

Si Erich mismo ang nagputol ng puno ng kalamansi gamit ang isang lagare. Isang palanggana ang na-harvest niya at nag-joke pa siya na ibebenta niya ang mga ‘yun.

Pinutol din ni Erich ang puno ng malunggay gamit naman ang isang malaking itak. Ganun din ang puno ng saging na saba.

Ang lakas ni girl!

Gusto niya eventually magka­roon ng malaking farm, dahil daw nag-e-enjoy siya sa pagtatanim at pagha-harvest.

Laking-probinsiya si Erich na aniya, noong bata pa siya’y mahi­lig siyang umakyat sa mga puno.

 

30xian copy
XIAN Lim

Takaw-pansin

Hindi kaya kakaba-kaba ngay­on ang mga celebrities na nagpa-virtual house tour matapos pag­nakawan kamakailan ang bahay ni Xian Lim?

Pabonggahan ang mga artista sa pagpo-post ng kanilang mga bahay.

Isa na nga si Xian doon.

Isa pang artista na mahilig iba­landra sa social media ang bahay ay si Derek Ramsay.

Hindi rin nagpakabog si Vice Ganda sa bonggang bahay niya.

Ingat-ingat lang sa pagpo-post. Kayo din.

Share This Article
Leave a Comment