Harlene, dineklara ang pag-ibig sa anak ni Kuya Germs!

Tempo Desk
2 Min Read
HARLENE Bautista and Federico Moreno (FB)

 

BY MELL NAVARRO

 

 

Mouthful box

Sabi nga nila, love knows no boundaries. Ang tunay na pag-ibig ay walang pinipiling edad, itsura, relihiyon, o nationality.

Sa kaso ni Harlene Bautista, love is lovelier the second time around.

Open book naman sa showbiz at sa publiko ang nangyaring paghihiwalay nila ng dati ni­tong asawang si Romnick Sarmenta.

Wala ring narinig na masasakit na salita mula sa magkabilang kampo, kaya naman nana­tili rin ang res­peto ng publiko sa kanila bilang celebrities.

But the actress-producer has finally moved on.

Sa Facebook account ni Harlene noong Sept. 5, binulabog nito ang lahat sa deklarasyon niya ng pag­mamahal kay Federico Moreno, anak ng yumaong German “Kuya Germs” Moreno, mentor ni Har­lene sa “That’s Entertainment” noong 1980s.

Harlene wrote, “Everything is clearer, lovelier and more right because of you. Looking forward to spending more of life with you. I love you, Freddie.”

May naka-post ring photos nina Harlene at Federico na pag­katamis-tamis ng kanilang mga ngiti.

May larawan rin ng isang re­galong nakabalot, with matching gold ribbon.

Hula namin, tipong gift ito ni lalaki sa kanyang “iniirog.”

 

HARLENE Bautista and Federico Moreno (FB)
HARLENE Bautista and Federico Moreno (FB)

 

Sa sunod na post ni Harlene, napag-alaman na one month na ang kanilang relasyon.

Aniya, “Happy 1st month, my love. I never thought life would be sweet again. Thank you.”

We’re personally so happy for Harlene dahil she deserves all the happiness in the world. Napaka­buti at matulungin niyang tao.

No wonder, siya at ang Kuya Herbert Bautista niya ay parehong awardees bilang Darling of the Press ng PMPC Star Awards sa magkaibang panahon.

Congrats again to Harlene and Federico!

Share This Article
1 Comment