Coleen, sa bahay balak manganak

Tempo Desk
2 Min Read

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Due to give birth next month si Coleen Garcia sa baby boy nila ni Billy Crawford. Sa ulat ng PEP, manganganak si Coleen via home birthing.

It’s her choice, ani Coleen, not because afraid siya sa COVID-19 pandemic kung sa hospital siya manganganak kundi, gusto niyang kasama ang husband niya sa kanyang panganganak.

coleen garcia
COLEEN Garcia (IG)

May medical team na binubuo ng midwife, nurse at doula ang magpapaanak kay Coleen. On call ang kanyang OB-Gynecologist at emergency hospital just in case kailanganing dalhin doon si Coleen.

Handa na ang nursery room na aniya,  ‘yun ang dati nilang gym sa bahay. Excited na sila ni Billy makita ang itsura ng kanilang baby boy.

 

MANGANGANAK NA RIN

Malapit na ring manganak si Dianne Medina sa baby boy nila ni Rodjun Cruz. Rodolfo Joaquin ang ipapangalan nila at ready na rin ang nursery room nito.

26diane n rodjun instagram copy
DIANE Medina and Rodjun Cruz (IG)

Ipinasilip ito ng mag-asawa sa You Tube vlog ni Dianne. Very cozy ang ambience na light blue and white ang kulay ng room with matching stickers na hot air balloon at mga pang-baby decors.

Ani Rodjun, feeling niya’y bumalik siya sa pagka-bata. May table para sa pagpapalit ng diaper ni baby na aniya pa, maninibago siya, pero tiniyak niyang eventually ay magiging expert siya.

 

BUNTIS?

May announcement daw sina Mark Herras at Nicole Donesa tungkol sa kanilang relasyon. Hula ng netizens, baka raw buntis na si Nicole.

mark nicole fb
MARK Herras and Nicole Donesa (FB)

 

Sa latest socmed photos daw niya  ay mukhang nag-gain siya ng weight. Dati na siyang chubby na mas kapansin-pansing tumataba siya.

Parati rin daw half-body ang photoshoot ni Nicole. Engaged couple na sila ni Mark na diumano’y nagsasama na sila sa isang bahay.

May anak si Mark named Ada sa dati niyang handler.

 

Share This Article
1 Comment