Kapamilyang may shows na sa TV5

Tempo Desk
2 Min Read
JESSY Mendiola (IG)

 

 

BY ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

Dalawang Kapamilya stars ang magkakaroon ng shows sa TV5.

Isang health show titled “Fit for Life” ang iho-host ni Jessy Mendiola. Si Pokwang naman ay dalawa agad ang gagawing shows. Kung sana’y tinanggap din ni Janella Salvador ang offer ng TV5, tatlo na silang Kapamilya talents sa TV5.

JESSY Mendiola (IG)
JESSY Mendiola (IG)

Sinu-sino pa kayang Kapamilya stars ang lilipat sa TV5?  Mapanindigan kaya nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na

hindi nila iiwan ang ABS-CBN? Umaasa silang muling magbubukas ang network.

Ayon kay Perci Intalan, programming consultant ng TV5, gusto nilang mag-employ ng maraming Kapamilya talents through blocktime or co-production arrangements and platforms.

 

Malapit na

DINGDONG Dantes (FB)
DINGDONG Dantes (FB)

Kabilang sa mga natanggap na riders para sa food delivery app ni Dingdong Dantes ay mga kasamahan niya sa “Descendants of the Sun.” Meron ding stuntmen, kaya malaking tulong sa kanila habang wala pang taping ng naturang GMA series.

Five days nag-training ang DingdongPH riders para sa delivery food service. Magbubukas din ng application for merchant at tapos na rin ang training ng riders. Soon ay magiging operational na ang DingdongPH.

 

Natutunan

KC Concepcion (FB)
KC Concepcion (FB)

Maraming natutunan si KC Concepcion sa bakasyon niya sa San Benito Farm sa Batangas. Mag-isa lang siya na aniya sa kanyang socmed post, natutunan niya paano i-let go ang negative emotions at mga bagay beyond our control.

Natutunan din niya paano mag-detox ng traumas and fears at magpatawad. “Step by step, we can all learn to live and let live. We should choose to always live better,” bahagi ng post ni KC.

 

Share This Article
Leave a Comment