Paolo Contis, nangungulila sa pamilya

Tempo Desk
2 Min Read
PAOLO Contis (IG)

 

BY DANTE A. LAGANA

 

*

 

PAOLO Contis (IG)
PAOLO Contis (IG)

Balik trabaho na ang Ka­puso actor na si Paolo Contis, kaya naman naging abala ito nitong mga nakaraang araw sa taping. For sure ay namiss niya ang kanyang pamilya. Pero nang makauwi sa bahay nila ay nag-self quarantine agad ang aktor sa isang ku­warto upang manigurong hindi siya nakapag-uwi ng nakakahawang COVID-19, at para na rin sa safety ng mga mahal niya sa buhay.

Ibinahagi ni Paolo sa kan­yang Instagram ang sobrang pangungulila sa kanyang pamilya. Sey niya, “Missing you all so much. 8 days akong nawala for a shoot. I’m home na (4 days na) pero naka iso­late pa ako sa isang kwarto at hindi ko pa sila malapi­tan, mayakap, mahalikan, o mahawakan man lang…just making sure syempre na safe at wala akong nauwing sakit. Kaya sa ngayon, tingin tingin lang muna. I can’t wait na sabay sabay na tayo ulit kumain.”

Sinagot naman sa mismong Instagram ng better half ni Paolo na si LJ Reyes ang na­turang post. Ani LJ, “Let not this night pass without me posting how proud we are of you!!!! pag pwede ka na tuma­bi samin, panuorin natin ulit pati ang #Ang Pangarap Kong Holdap! Di ko kaya ng ako lang! I’m so happy that now people will see how good of an actor you are and so much more!!! I’m grateful to see you become the best of you! And much more grate­ful that it’s unfolding right before my eyes…”

Wow, kasweet naman nila Paolo at LJ. Para silang nila­langgam sa sobrang kasweetan. Yun na!

Share This Article
1 Comment