Ryza Cenon, buntis din

Tempo Desk
2 Min Read
RYZA Cenon (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

HINDI na nagulat ang karamihan ng malaman na five months preggy na ang seksing aktres na si Ryza Cenon.

Inanunsyo kamakailan sa social media ng dalaga ang kanyang pagbubuntis with matching studio portraits.

Bago ito, nag-post muna siya nang isang litrato kung saan makikitang nagpagupit ito ng napaka-iksi.

RYZA Cenon (FB)
RYZA Cenon (FB)

Sa kanyang big reveal, sin­abi ni Ryza na ang pagbubun­tis ang dahilan ng kanyang pagpapagupit. Naglalagas daw kasi ang buhok niya ka­pag naliligo siya. Ang tanong, sino ang ama ng bata?

Tahimik pa sa ngayon si Ryza tungkol dito.

 

*

 

MALAPIT NA

Magbabalik-taping na ang il­ang programa ng GMA7. Inaayos na lang ang safety measures para masiguro ang kaligtasan ng mga artista at production staff.

Balita namin ay nagre-re­hearse na ang ilang cast mem­bers ng “All-Out Sundays.” ‘Yung ibang kasali’y magla-live show sa studio at ‘yung iba nama’y via zoom ang appearance.

Nakatakdang magbalik sa ere ang “AOS” on July 12.

Magbabalik-taping na rin ang “Magpakailanman” at “Mars.”

Ibabalik din ang “Wish Ko Lang” ni Vicky Morales at tsutsugihin na ang “Ilaban Natin ‘Yan.”

Nothing is defi­nite kung ibabalik ang “Centerstage,” hosted by Al­den Richards dahil mga bata ang contestants. Siyempre, naka-quarantine pa ang Metro Manila at bawal pa lumabas ang mga bagets.

Baka raw ang “The Clash” na ongoing na ang auditions ang ipalit sa “Centerstage.”

 

TOM Rodriguez and Carla Abellana (FB)
TOM Rodriguez and Carla Abellana (FB)

*

 

SWEET

Super sweet si Tom Rodri­guez kay Carla Abellana sa recent YouTube vlog nila.

Panay ang halik ni Tom sa balikat ng girlfriend habang ipi­napakita nito sa fans ang throw­back photos ni Carla kasama sina Lea Salonga, Vina Morales at Geneva Cruz. Kuha daw yun sa isang event noong nasa grade school si Carla.

 

THANK YOU

On a personal note, thank you sa Kapuso Network sa ipinadala nilang GMA Affordabox bilang anniversary gift.

Happy 70th anniversary!

Share This Article
5 Comments