Jessy Men­diola, sexy pa rin!

Tempo Desk
2 Min Read
JESSY Mendiola (IG)

 

BY DANTE LAGANA

 

*

 

JESSY Mendiola (IG)
JESSY Mendiola (IG)

KARANIWAN ang madagda­gan ang weight ng ilan sa mga nagdaang buwan dahil sa quarantine.

Pero iba si Jessy Men­diola! Bakit? Well, kitang-kita naman ang ebidensiya sa latest photos na ipinost niya sa social media.

Sexy at well-toned pa rin ang katawan ng mestisang girlfriend ni Luis Manzano at sadyang kaakit-akit pa rin.

Sa kuha niya parang paumpisa pa lang ang sum­mer but in actuality, nag-u-umpisa na ang tag-ulan ayon pa sa PAGASA.

Sa newest vlog ni Jessy, ipinakita niya kung ano ang kanyang kinakain para ma-achieve ang ideal weight.

Ayon pa sa aktres marami raw ang nag­tatanong sa kanya kung ano ang ki­nakain niya para ma-reach ang healthy at fit na panganga­tawan.

Hindi lang yun pati laman daw ng ref niya ay inuusisa ng ilang curious neti­zens!

Kaya ibinahagi niya ito sa kanyang vlog pati na ang mga puwedeng healthy alternatives para maging malusog at malakas pa rin kahit naka-quarantine.

Sa pagbukas ng ref ni Jessy bumulaga ang mga prutas gaya ng mansanas, pakwan at iba pa.

Kapansin-pansin na hindi ganoon karami ang laman ng ref nito.

Aniya, “Ayan ang ref ko ngayong quarantine kasi hindi rin kami masyadong bumibili ng mga tempta­tion.”

Biro naman sa comment ng bf niyang si Luis Man­zano ay, “Ako lang naman umubos sa laman ng ref.”

Ipinakita rin niya sa vlog nang magluto siya ng scrambled eggs at protein pancakes na nakakaaliw panoorin.

Award!

Share This Article
1 Comment