TV shows ng GMA at ABS-CBN, magbabalik

Tempo Desk
2 Min Read

 

BY ROWENA AGILADA

 

*

 

timing tmg tg

ANYTIME soon ay mag­babalik na sa live airing ang longest running noon­time show ng bansa, ang “Eat Bulaga.”

Pero hindi dapat ma-ex­cite ang mga gustong manood sa studio. Hindi pa rin magpapapasok ng live audience doon for safety reasons.

Of course, dahil nga sa banta ng mapamuksang COVID-19 na hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang pagpapapansin.

Anyway, abangan ang bagong segment ng “Eat Bulaga” na, “Cash Landing On You.”

Obviously, inspired ang titulo ng sikat na K-drama na “Crash Landing On You.”

gma abscbn

 

Balik-TV

Good news naman sa avid sup­porters ng ABS-CBN shows. Mag­babalik na rin ang mga paborito nilang palabas sa Kapamilya Channel na available sa Sky Cable, Ca­blelink, at G Sat.

Kasama rito ang “Ang Probinsiyano,” “Love Thy Wom­an,” at “A Soldier’s Heart.”

Magbabalik-ere rin sa same chan­nel ang “It’s Show­time,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay” at “The Voice Teens.”

 

Natawa

ANDREA Torres (FB)
ANDREA Torres (FB)

Samantala, natawa lang si An­drea sa big reveal ni Megan Young na diumano’y pinagselosan siya nito noong nakatrabaho niya si Mikael Daez sa ilang GMA series.

Wala naman daw issue kasi that time pareho silang taken ni Mikael.

Kung tama kami, si Sef Cadayona ang boyfriend noon ni Andrea.

Share This Article
1 Comment