Napasama pa si Kim Chiu

Tempo Desk
2 Min Read
KIM Chiu (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

KONTROBERSIYAL na naman si Kim Chiu. Pina-imbestigahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang aktres dahil sa balitang nagsayaw ito sa gitna ng EDSA.

Wow, libreng performance? Siyempre pa, madiing itinanggi ni Kim ang paratang.

Bakit daw siya sasayaw sa EDSA, of all places? Oo, nga naman!

KIM Chiu (FB)
KIM Chiu (FB)

Pero saan ba kuha ang video? Ani Kim, sa parking lot ‘yun ng Tipsy Pig sa Timog Avenue, QC.

Sa hindi nakakaalam, business partners doon ang ilang kaibigang artista ni Kim kasama na sina Angelica Panganiban, Boy 2 Quizon, Cholo Barretto, Neil Arce, Barbie Imperial at iba pa.

Nagpunta doon si Kim para i-deliver ang ilang Bawal Lumabas t-shirts niya na ang napagbentahan ay para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Naku e, tumutulong naman pala ang tao, siniraan pa!

Mabuti na lang at sa pakikipagpulong ni Kim kay MMDA General Manager Jojo Garcia ay pinaniwalaan ng huli ang kanyang paliwanag.

 

TANGGAP NA

MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali (IG)
MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali (IG)

Walang violent reaction ang fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa pagla-like ni Miguel sa socmed posts ni Kyline Alcantara.

Dati’y galit sila kay Kyline dahil inakala nilang ito ang dahilan ng break-up nina Miguel at Bianca.

Na-link sina Miguel at Kyline noong nagkatrabaho sila sa “Kambal Karibal” at diumano, pinagselosan siya ni Bianca.

Nauwi sa break-up ang relasyon noon nina Miguel at Bianca.

Anyway, happy heart ngayon si Bianca dahil kay Ruru Madrid, although wala pa rin silang diretsang pag-amin sa kanilang relasyon.

 

Share This Article