Kilig much!

Tempo Desk
2 Min Read
ANDREA Torres (FB)

timing tmg tg

 

 

KILIG much si Andrea Tor­res sa sinabi ng boyfriend niyang si Derek Ramsay na 100% sure na ito na siya na ang babaeng pakakasalan.

Sa interbyu kay Andrea ng “Showbiz Talk Ganern,” sinabi niyang ganoon din siya kadesididong makasa­ma for the rest of her life si Derek.

DEREK Ramsay and Andrea Torres (FB)
DEREK Ramsay and Andrea Torres (FB)

Magaan daw ang kanilang relasyon. Nagustuhan niya sa kanyang BF ang pagiging simpleng tao nito, family-oriented, very appreciative sa mga bagay-bagay. Ani Andrea, parehas sila ni Derek.

No problem siya sa 16-year-old son ni Derek na si Austin dahil magkasundo sila, ayon kay Andrea.

 

NAUDLOT

Speaking of Derek, kung wala lang Enhanced Com­munity Quarantine (ECQ), dapat nakalipat na ito sa bagong house niya sa Ala­bang.

Ayaw mag-assume ni An­drea na siya na ang magiging reyna ng tahanan ni Derek.

Nakapunta na siya sa rest­house ng mga Ramsay sa Tagaytay.

Kapag wala nang ECQ, isasama naman siya ni Derek sa resthouse nito sa San Vi­cente, Palawan.

 

COCO Martin
COCO Martin

MAMUMUDMOD

Hindi kaya du­mami ang die-hard fans ni Coco Martin at mag­basag din ito ng kanilang mga TV sets?

Ito ay dahil after makita sa social media ang ilang tao na nagbasag ng kanilang TV sets matapos ipasara ang ABS-CBN, pinangakuan kaagad ito ni Coco na kapag nabalik ang Ka­pamilya Network sa ere, papalitan niya ito ng bago at mas malaking TV sets.

Bibigyan din niya ng motorsiklo ‘yung isang fan na diehard supporter ng kanyang home network.

Share This Article