Masaya!

Tempo Desk
1 Min Read
KIRAY Celis (FB)

BY DANTE LAGANA

 

*

KIRAY Celis (FB)
KIRAY Celis (FB)

MAY patama ang comedienne na si Kiray Celis sa mga dati niyang naging karelasyon nang hayagan niyang ipangalandakan sa social media ang bago niyang boyfriend na nagngangalang Stephan Es­topia, isang jock mula Arellano University.

Last year pa napabalita ang relasyon ng dalawa dahil non-stop sa kapo-post sa kanyang Insta­gram si Kiray ng litrato nila.

Sa latest post ni Kiray aniya, “Worth it lahat ng sakit, iyak at lungkot ko sa maling tao… kasi BAWING BAWI ng TAMANG TAO. Appreciation post sa aking boyfriend. I love you, @stephan. estopia! P.S. hindi kita ipagpapalit kila Captain America, Zac Efron, Hyunbin, Lee Dong-Wook.”

Sa picture makikitang hinahag­kan sa pisngi si Kiray ng kanyang bf sa mismong kama niya habang tangan ang bulaklak at tila isang unan na naka-collage ang kanil­ang mga larawan at nakaprint pa ang kanilang mga pangalan.

Sana si Stephan na nga ang for­ever ni Kiray.

Share This Article
2 Comments