Ivana Alawi, ang bagong ‘Ligaya’

Tempo Desk
1 Min Read
IVANA Alawi

BY DELIA CUARESMA

—-

IVANA Alawi (IG)
IVANA Alawi (IG)

MOVE over, Osang.

May bago nang Li­gaya ang bayan. Ito ay walang iba kung hindi ang maganda at seksing-seksing si Ivana Alawi.

Isinapubliko na ng ABS-CBN ang teaser ng serye, at isa nga ito sa mga ipa­palabas nila this year.

Wala pang gaanong detalye ukol sa palabas pero base sa titulo, maraming mga barako ang maliligaya­han dito.

May tsismis na “inagaw” diumano ni Ivana ang title role kay Maja Sala­vador na agad naman pinabulaanan ng dalaga.

Aniya sa so­cial media, “Ang pagkakaalam ko hindi po ‘yun ‘yung dapat na gagawin ko. Iba ang title niya eh. ‘Yung #Li­gaya code name lang noon.”

Whatever.

Mas bagay talaga kay Iva­na ang tawag­ing Ligaya na dating bansag kay Rosanna Ro­ces dahil sa pe­likulang “Ligaya ang Itawag Mo sa Akin.”

Kung si Osang ay ibinigay lahat para sa pelikula, ano naman kaya ang pasabog sa show ni Ivana?

Tahimik lang ang dalaga rito na una nang pinag-init ang mga kala­lakihan sa role niya sa “Sino Ang May Sala? Mea Culpa.”

Samantala, patuloy ang pagbuyangyang niya ng kanyang alindog sa social media.

Share This Article
1 Comment