Sasapatusin ko kayong dalawa!

Tempo Desk
3 Min Read

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may sulira­nin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Tito Alex,

Marami akong nakuhang pera ng nakaraang Pasko. Balak kong ibili ito ng mga sapatos. Mahilig ako sa sapatos. Mga nasa isang daang pares na ang sapatos na nabibili ko ngayong taon. Sabi ng nanay ko eh tigilan ko na raw ang kakabili ko ng sapatos dahil dalawa lang naman ang paa ko. Pero gusto ko talaga bumili nang bumili ng sapatos. Sabi ng nanay ko eh ipunin ko raw dahil hindi naman kami mayaman. Wala akong paki­alam basta gusto ko bumili ng maraming sapatos. Kahit hindi ako kumain basta makabili ako ng bagong sapatos. Gusto ko na nga umalis dito sa bahay dahil lagi akong pinagsasabihan ng nanay ko. Naiinis na ako sa kanya! Tama ba na mainis ako sa nanay ko?

                                                                        Marlon ng Cubao

Hi Marlon,

Kung ako ang nanay mo, sasapa­tusin kita!

*

Hi Alex,

Naiinis ako sa mga ninong at ninang na anak ko! Ang kukuri­pot! Nitong nakaraang Pasko, tig-iisang libo lang ang naku­hang pera ng anak ko. Kaya ko nga sila kinuha dahil mayaya­man sila tapos ‘yun lang pala ang ibibigay nila! Ang kukuripot! Hindi na nga ako humingi sa ka­nila kapag birthday ng anak ko. Dapat may ambag sila sa party kahit cake o ice cream man lang! Gusto ko na nga isoli mga kan­dila sa kanila dahil wala naman pala akong mapapala sa kanila! Pamasahe pa lang papunta sa kanila, halos limang-daan na da­hil nag-Grab kami balikan! Ano bang dapat kong gawin sa mga ninong at ninang ng anak ko?

                                                                        Dalena ng Quiapo

Hi Dalena,

Isa ka pa! Dapat sapatusin din kita eh! Ang mga ninong at ninang ay pangalawang magulang at da­pat gumabay sa anak mo! Hindi sila bangko na hihingan mo ng pera para sa anak mo! Mas makapal pa ang mukha mo sa suwelas ng sapatos!

*

Hi Alex,

Ang daming nag-regalo sa akin ng mug nung nakaraang Pasko, anong gagawin ko?

                                                                        Esther ng Alabang

Hi Esther,

Itago mo at iregalo mo sa kanila sa susunod na Pasko!

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]

facebook/twitter/instagram: alex­calleja1007

Share This Article
2 Comments