Lovi Poe, lilipat na sa Kapamilya station?

Tempo Desk
1 Min Read
LOVI Poe

BY DANTE LAGANA

 

LOVI Poe
LOVI Poe

MUKHANG sunod sunod ang la­bas ng Kapuso aktres na si Lovi Poe sa kabilang net­work sa ABS-CBN.

Kamakailan lang ay nakita siya sa “Rated K.”

Naging panauhin din siya sa “Magandang Bu­hay.”

Ngayon naman gumigiling na ang camera para sa bagong project niya para iWant, ang streaming ser­vice ng Kapamilya network.

Ipinost ni Roldeo “Deo” Endrinal sa kanyang Instagram account ang behind-the-scene photos ng shoot nila.

Sey niya, “Zanjoe Marudo & Lovi Poe, now shooting in Matera, Ba­silicata, Italy, directed by Connie Macatuno.”

Dahil nga dito, haka haka tuloy ng ilan na iiwan na ni Lovi ang GMA-7.

Tinanong ng TEMPO ang man­ager ni Lovi na si Leo Dominguez ukol dito.

Diin niya, “Not true Lovi is under contract with GMA.”

Patunay pa ni Leo, next year daw ay may naka-schedule na teleserye si Lovi sa Kapuso network.

O, ayan. Malinaw na huh?

Share This Article
366 Comments