Rocco Nacino nagpa-enlist din

Tempo Desk
1 Min Read
ROCCO Nacino (IG)

 

ROCCO Nacino (IG)
ROCCO Nacino (IG)

DUMARAMI ang mga artistang gustong manilbihan sa bansa.

Ito nga at dumagdag pa ang aktor na si Rocco Nacino sa lumalaking hanay ng mga artista na nais mag­silbi bilang reservist.

Diuamano’y na-inspire si Rocco magpa-enlist makaraan ma-expe­rience nito mag-training with the Armed Forces of the Philip­pines (AFP), para sa kan­yang upcoming series na “Descendants of the Sun.”

“AFP made me rea­lise how I can con­tribute to the country by being a reservist for the Philippine Navy. This is an exciting year for me,” aniya.

Umaasa ang aktor na magagamit niya ang kanyang pagiging nurse sa bagong yugto ng kan­yang buhay.

Si­yem­pre pa, gusto raw ni­yang maging inspirasyon sa mga kabataan.

Laking pasalamat niya rin sa GMA-7 sa suporta nito.

“I am glad that [GMA Network] is very supportive of this new journey of mine. Training videos will be coming soon,” aniya.

Maliban kay Rocco, nauna na ang mga aktor na sina Matteo Guidicelli at Gerald Anderson na mag en­list as reservists.

Napabalita na rin ang pagpa­pa-enlist nina Cesar Montano at Diether Ocampo.

Gusto rin daw magpa-enlist ni Robin Padilla.

Sino pa kaya ang susunod? (DELIA CUARESMA)

Share This Article
5 Comments