
LAMAN muli ng social media ngayon si Gerald Anderson.
Ito ay dahil sa isang cryptic message na ipi-nost ni Bea Alonzo, na kanyang girlfriend, noong Linggo.
Ani Bea, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice’ ENOUGH.”
Maraming haka-haka na tila nagloko na naman for the nth time ang aktor, dahilan upang tuluyang sumuko ang aktres sa kanilang relasyon.
Tahimik lang si Gerald dito.
Pero ang pinakahuling activity niya sa Instagram ay medyo matalinhaga.
Ni-like lang naman niya ang isang post ng fan about being “misunderstood.”
Misunderstood nga ba si Gerald o sadyang matinik?
Ilang beses na rin itong na-link sa kung sinu-sinong babae.
Simulan natin kay Kim Chiu, dati niyang kasama sa “Pinoy Big Brother” house na ilang taon din niyang naging jowa.
Sinundan niya ito with Maja Salvador, ang “bestfriend” ni Kim.
Sinubukan din daw ni Gerald si Sarah Geronimo nguni’t hindi ito nakalusot sa pagmamatyag ng mahigpit na parents nito.
Naging girlfriend niya kasunod si Bea na hiniwalayan din siya dahil rin sa tsismis na pambababae.
Nagkabalikan sila nguni’t sinubok muli ang kanilang relasyon nang makapareha ni Gerald sa pelikula si Pia Wurtzbach.
At eto na nga – si Julia Barretto naman ngayon ang nauugnay sa kanya.
So, misunderstood o matinik? Nagtatanong lang po. (DELIA CUARESMA)
68315 333153Some truly superb articles on this internet site , regards for contribution. 356018
321393 784960Any way Ill be subscribing to your feed and I hope you post once again soon. I dont feel I could have put it better myself. 664111
880590 552860I believe 1 of your advertisings triggered my internet browser to resize, you may effectively want to put that on your blacklist. 881655