Kyline Alcantara, tibo?

Tempo Desk
3 Min Read
KYLINE Alcantara (IG)

timing box

 

 

 

NATSITSIKANG diumano’y tom­boy o lesbian si Kyline Alcantara. Sa isang inter­byu ay nilinaw niyang boyish lang siya. Only girl siya sa tatlong magkakapatid at daddy’s girl pa siya.

KYLINE Alcantara (IG)
KYLINE Alcantara (IG)

Ani Kyline, noong bata pa siya’y malapit na siya sa mga lalaki at ito ang mga gusto niyang kalaro. Nakiki­paghabulan siya sa mga ito. Hindi siya mahilig maglaro ng Barbie doll.

Pinangarap din ni Kyline maging sundalo at natu­tuwa siya kapag nakakakita siya ng army men.

No boyfriend since birth si Kyline at wala pa raw nagtatang­kang manligaw sa kanya.

 

SHOWBIZ NA RIN

Join na rin sa showbiz ang anak ni Manila may­or-elect Isko Moreno na si Joaquin “JD” Domagoso. Pinayagan na ni Mayor Isko mag-artista si Joaquin sa kundi­syong hindi nito pababayaan ang pag-aaral.

JOAQUIN Domagoso (FB)
JOAQUIN Domagoso (FB)

Si Dad­dy Wowie Roxas na manager ni Isko ang manager din ni Joaquin. Pinayu­han niya ang anak na susundin ang kanyang manager at makiki­nig sa mga sinasabi nito. Pinayuhan din ni Moreno si Joaquin na matutong makinig at makisama sa mga ka­trabaho sa showbiz.

Nag-wo-workshop na si Joaquin at pasok na siya sa “Studio 7” bilang bagong Kapuso member.

Nagda-dance lessons na si Joaquin and this early, may tuk­suhan nang nagaganap between him and Kyline Alcantara. May mga nagsasabing bagay sila. She’s 16 years old, 17 naman si Joaquin.

Hiya-hiyain pa si Joaquin, kilig-kiligan naman si Kyline. Ano kay­ang magandang itawag sakaling mabuo ang kanilang love team? KyJo? JoaLine? JoKy? Any other suggestions?

 

AMININ KAYA?

Sa huling interbyu namin kay Jeric Gonzales ay sinabi niyang cool-off muna sila ni Pauline Men­doza. Nag-usap sila na career muna ang focus nila. Aniya, special pa rin sa kanya si Pauline.

Ano kayang reaction ni Jeric na nali-link ngayon si Pauline kay Joshua Garcia? Another J sa bu­hay ni Pauline? Hindi kaya natuloy sa break-up ang cool-off nila ni Jeric?

Ano naman kaya ang reaction ni Julia Barretto na si Pauline diumano ang bagong apple of the eye ni Joshua? May dapat bang aminin o itanggi si Joshua?

Share This Article
384 Comments