Claudine, nabawi na ang mga anak!

Tempo Desk
2 Min Read

Ni DELIA CUARESMA

Epektibo ang ginawang pagwawala ni Claudine Barretto sa social media kamakailan.

Base sa kanyang social media post e, naisauli na nga sa kanya ang tatlong anak.

Ito ay sina Sabina, Quia, at Noah, mga adopted children niya at dating asawang si Raymart Santiago.

“Safe and sound,” aniya sa caption ng litrato ng tatlong anak na makikitang pawang nakangiti.

Matapos ito e, parang walang nangyari. Balik siya sa pagpro-promote ng love team niya with her former lover na si Mark Anthony Fernandez.

Nitong Linggo, naalarma ang mga followers ng aktres sa social media matapos niyang ipagsigawan na “kinidnap” diumano ang kanyang mga anak ng isang nangangalang “Marisol.”

“This is not a joke, this is very serious. Marisol ibalik mo ang mga anak ko dito. Kanina ka pa dapat nasa Katipunan. Inaantay ka na ng NBI dito,” sey ni Claudine sa isang live stream.

May habilin pa siya sa mga loyal fans: “Nakikiusap ako sa lahat ng Claudinians to stay away from Maria Solita Acap or Marisol Acap, she’s not to be trusted.”

May hirit din siya sa isang taong hindi niya pinangalanan pero obvious naman kung sino base sa “clues.”

Ani Claudine, “You know who you are. Hindi ka talaga titigil hangga’t hindi mo ako mabaliw o mapatay. Nanay ako ng mga anak mo.”

Dagdag pa niya, “You want me dead dahil hindi kita binabalikan, bring it on. Multuhin ka sana ng nanay at tatay mo.”

Hindi alam kung ano nangyari kay “Marisol” at sa taong ito matapos maisaoli ang mga anak ni Claudine.

 

 

Share This Article