Kris Aquino, tumigil ang paghinga!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Mga mars, nawindang kami sa ibinunyag ni Kris Aquino sa kanyang latest post, huh!

Aba’y huminto raw ang kanyang paghinga habang sumasailalim sa isang minor medical procedure!

Sa isang very honest at very emotional na social media post, ikinuwento ng Queen of All Media na nangyari ito habang isinasagawa ang isang PICC line procedure.

Akala niya, simpleng proseso lang ito. Pero nauwi nga ito sa isang tunay na life-and-death moment!

“I haven’t fully processed what happened,” ani Kris. “It was supposed to be a minor PICC line procedure BUT there was a span of time totaling almost 2 minutes when my lung stopped functioning — I stopped breathing.”

Yes, mga mars — two minutes. Isipin mo ‘yun.

Matagal nang alam ng publiko ang pinagdadaanan ni Kris dahil sa kanyang multiple autoimmune diseases, kaya kahit simpleng galaw ng katawan, puwedeng magdulot ng matinding komplikasyon. Kaya hindi na rin kataka-taka na marami ang kinabahan at nagdasal nang mabasa ang kanyang post.

Buti na lang nga at mabilis kumilos ang kanyang medical team.

Hindi ito pinalampas ni Kris at buong pasasalamat niyang binanggit ang kanyang anesthesiologist, surgeons, at rheumatologist na literal na naging “angels in scrubs sa mga oras na iyon.

Take note mga ka-chika na ilang araw bago ang procedure ay na-postpone na ito dahil sa mataas na blood pressure ni Kris — parang warning sign na pala.

At dahil si Kris pa rin ‘yan, of course, may pahabol na kaunting pa-sweet.

Tinapos niya ang kanyang post sa pagbanggit ng lyrics ng Let It Be ng The Beatles — tahimik pero makahulugan, parang mensaheng “lalaban pa ako.”

Sa ngayon, nagpapagaling na si Kris.

 

TAGGED:
Share This Article