Jed Madela, tunay na walang kupas!

Tempo Desk
2 Min Read

By JUN NARDO

Hasang-hasa na ang boses ng singer na si Jed Madela kaya naman maning-mani sa kanya ang anumang genre pagdating sa kantahan.

Pinakabilib kami sa husay niyang paganahin ang kanyang falsetto, huh!

Umani ng palakpakan at sigawan mula sa mga taong pumuno sa Music Museum para sa “Superhero” concert niya last Saturday.

Dahil nga sa “Superhero” ang title ng concert e, binanatan ni Jed ang theme songs hango sa ilang superhero movies gaya ng “Superman” at iba pa.

Nakilala namin si Jed nung nagsisimula pa lamang ang karera niya.

Baguhan pa lang siya sa concert world noon at sa isang provincial concert nga ni Lani Misalucha una naming napansin ang angking galing ng biriterong singer.

Now, bumibirit pa rin si Jed, at hindi nawawala ang emosyon sa pagkanta.

Walang kupas ang Jed Madela, huh! Walang kahirap-hirap sa mataas na musika!

Congratulations, Jed!

Simple

Simpleng kuwento ng friendship since college days na may kanya-kanyang problema sa anak ang kuwento ng latest Joven Tan movie na “Outside De Familia” mula sa production ni Ana BC.

Magagaling ang mga bidang artista na sina Ruby Ruiz at Sheila Francisco na nahasa ang galing sa teatro.

Kasama rin sa movie si Gelli de Belen na aktres talaga at ang gumanap na anak niyang binatilyo na si Dwayne Garcia na promising din ang pag-arte.

Very Pinoy at relatable ang movie na kusa na lang tutulo ang luha mo.

Nakakaiyak ang pelikula pero hindi pilit!

Proud kami sa movie ni Direk Joven at sana e, tangkilikin ito ng manonood kapag may playdate na!

Share This Article