Asar-talo!

Tempo Desk
2 Min Read
VICO Sotto (FB)

 

BY DELIA CUARESMA

ANGEL Locsin (IG)
ANGEL Locsin (IG)

*

 

MARAMING celebs ang nainis nang pinatawag si Vico Sotto ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan dahil diumano sa paglabag nito sa Bayanihan to Heal as One Act.

Ani Angel Locsin: “Hindi ako nagmamarunong sa batas, pero sa opinyon ko, si Koko ang dapat ipatawag at hindi si Vico.”

Ang Koko na binanggit ni An­gel ay walang iba kung hindi si Senator Koko Pimentel na nag­ing kontrobersiyal dahil na rin sa pagbisita nito sa isang ospital kahit Person Under Investigation (PUI) na siya.

ZSA Zsa Padilla
ZSA Zsa Padilla

Dagdag ni Angelica Pangani­ban: “Wala silang mapaginitan. Si mayor Vico talaga? Kung sino pa may natutulong at maayos na sistema, siya pa kakasuhan? HANEP! Eh nasan na yung nagka­lat ng virus sa Makati Med? So far kasi yun palang nagagawa niya. Ikalat ang virus. Mapapamura ka na lang pala talaga.”

Tanong naman ni Zsa Zsa Pa­dilla: “Bakit ganun? Namimili ng ipapatawag. Samantalang yung iba dyan obvious na panlalabag ng batas eh nakalusot at di man lang napagsabihan. Ano ito? Bwisit. Nakakagalit.”

Sey ni Bela Padilla: “Sayang. May taong tumayo na at gu­malaw para sa mga tao. Pina­paupo ulit.” Oo nga naman!

Share This Article