John Lloyd Cruz, magbabalik showbiz na?

Tempo Desk
3 Min Read
JOHN Lloyd Cruz (IG)

timing box

 

JOHN Lloyd Cruz (IG)
JOHN Lloyd Cruz (IG)

PALAISIPAN kung ano’ng ibig sabihin ni Father Tito Caluag sa post niya sa soc­med kamakailan tungkol kay John Lloyd Cruz.

Aniya, “Something very good is brewing. Coming soon.”

Wow. Ano kaya ‘yun?

Nagkita at nagkausap sa Cebu airport sina Father Tito at John Lloyd na base sa litratong lumabas ay kasama ang anak na si Elias.

Tanong ng netizens, magbabalik-showbiz na raw ba kaya si John Lloyd o magkakaroon ng commercial ang mag-amang John Lloyd at Elias?

Well, why not?

 

ALDEN Richards and Maine Mendoza
ALDEN Richards and Maine Mendoza

HOY, GISING!

Ayaw pa ring tumigil ang ilang AlDub fans sa kanilang paniwala na kasal na sina Alden Richards at Maine Mendoza at may anak na sila.

Ilang beses na itong pinabulaanan ng daddy ni Alden pero patuloy pa rin ang ilang AlDub fans sa kanilang ilusyon.

Hindi nga nagkaroon ng relasyon sa tunay na buhay sina Alden at Maine, paano nagkaroon ng kasalan at may anak pa raw sila?

Hindi na­man maidetalye ng ilang AlDub fans kung kailan at saan “ikinasal” (kuno!) Hindi kaya sa panaginip lang nang­yari ‘yun?

Hoy, gising na, AlDub fans!

 

BUNTIS?

HEART Evangelista (FB)
HEART Evangelista (FB)

Buntis na ba uli si Heart Evangelista? Pansin ng netizens sa latest photos sa socmed ni Heart na parang may baby bump ito.

Eh, ano naman kung pregnant si Heart? For sure, ipapaalam niya ‘yun sa publiko gaya ng unang preg­nancy niya na unfortunately, nagka-miscarriage siya. Twins sana ang anak nila ni Gov. Chiz kung hindi nakunan si Heart.

 

EXCITING

Isa sa mga aabangang GMAPrimetime series sa 2020 ang TV ad­aptation ng “Anak ni Biday Vs. Anak ni Waray” na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez. Sina Snooky Serna at Maricel Soriano ang bumida sa movie version nito. Si Gloria Romero at ang yumaong aktres na si Nida Blanca ang gumanap na mga nanay nila.

Sa TV adaptation, sina Snooky at Dina Bonnevie naman ang ga­ganap na mga nanay nina Barbie at Kate.

Share This Article
4 Comments