Regine, aminadong magagaling ang mga singers ng ‘ASAP’

Tempo Desk
2 Min Read
REGINE Velasquez

 

 

REGINE Velasquez
REGINE Velasquez

PANALO at maganda ang naging concept ng production number ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid kasa­ma ng mga champions sa lara-ngan ng singing na naganap last Sunday sa “ASAPNatinTo” ng ABS-CBN.

Sa pagpasok ng prod kinanta niya ang kanyang awitin na “Narito Ako” kasama ng saliw ng orchestra. Bago sundan ng isa pang awitin nag­salita si Regine. “Nagpapasala­mat po ako sa napakainit na pagtanggap ninyo sa akin dito sa “ASAPNatinTo.” Masaya ako dahil finally nakabalik ako dito at makakakanta uli ako sa isang musical variety show at gusto ko ring makikanta at makicol­laborate sa mga naggagalingang singers dito, because “ASAP” is the home of the champions,” ang kanyang sinabi bago kanta­hin ang “In Your Eyes.” This time kasama na niya sila Jed Madela, Erik Santos, Mitoy Yonting, Mar­celito Pomoy, Jason Dy, at Noven Belleza na pawang champions sa iba’t ibang singing contest.

Inawit din niya ang walang kamatayan niyang ‘You’ll Never Walk Alone” kasama sila Ange­line Quinto, KZ Tandingan, Elha Nympha, Frenchie Dy, Janine Berdin, Jona. Birit kung birit ang naging takbo ng buong produc­tion number nila na minsan lang mangyayari na sanib puwersa ng mga champions sa singing competition. (Dante A. Lagana)

Share This Article
Leave a Comment