Willie Revillame: Hindi ako naghihirap!

Tempo Desk
2 Min Read

Ni DELIA CUARESMA

Pinabulaanan ng veteran game show host na si Willie Revillame ang usap na diumano e, naghihirap na siya sanhi ng kanyang pagkatalo sa nakaraang halalan.

Ayon sa tsismis, ibenenta na diumano ni Willie ang ilan sa kanyang mga ari-arian dahil dito.

Totoo nga ba?

Well, ani Willie ng aming makapanayam kamakailan sa launching ng bago niyang game show, ang “Wilyonaryo,” pawang kasinungalingan ang usap.

“Hindi totoo yan,” diin niya.

“Minsan natatawa na lang ako e or kung saan nila kinukuha yun. Hindi mo alam kung kino-content ka or may galit sa ‘yo,” dagdag pa niya.

Sa kagustuhang mabigyang linaw ang publiko, inisa-isa ni Willie ang kanyang mga properties.

Sey niya, “May bago akong resort sa Puerto Galera. May pinapaganda ako roon na high-end hotel. Meron akong biniling dalawang floor sa isang condominium sa BGC. Buong floor ha, hindi lang isang unit. May 800 square meters each floor. At penthouse ito.”

“May binili rin akong apat na unit sa isang condominium sa tapat ng isang mall sa BGC,” sambit pa niya.

“Isa lang ang naibenta kong property, yung sa Tagaytay kasi sobrang laki. Hindi ko na rin maasikaso.”

“May tatlo akong chopper. May yate pa rin ako na binili ko ng $10 million or P580 million.”

“Ayoko na sanang sabihin ito baka sabihin ninyo nagyayabang ako. Kaso gusto kong sabihin na hindi naman ako naghihirap.”

Sabay nito ay pinasalamatan niya ang mga istasyon ng telebisyon na nagtiwala sa kanya through the years, kasama na ang ABS-CBN, TV5, GMA, at ALLTV.

“Lahat ng ito ay buong loob na tinulungan ako,” pakli niya.

Siyempre pa, hindi niya kinalimutang pasalamatan ang madla na patuloy siyang tinatangkilik.

“Kung hindi dahil sa kanila lalo na yung mahihirap at masa wala ako,” aniya.

 

Share This Article