Bea Alonzo, handa na umibig

Tempo Desk
2 Min Read
BEA Alonzo (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Open na uli sa posibilidad na magkaroon ng bagong pag-ibig si Bea Alonzo.

She’s dating na daw ulit ngayon.

Nali-link si Bea kay Dominique Roque pero walang ibinigay na clue ang aktres kung ito nga ang guy na idine-date niya ngayon.

bea alonzo IG 1
BEA Alonzo (IG)

Aniya pa, wala siyang pakialam kung hunk o hindi ang susunod niyang karelasyon. Basta mahal lang siya ng guy.

Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa huling relasyon, diin niya: “I am stronger than I think. Resilient and worthy.”

Payo niya sa mga heartbroken: “Take it one day at a time. Acknowledge your feelings kung nasasaktan ka. Have the intention to be a better person.”

 

B-day girl

Janine Gutierrez fb3
JANINE Gutierrez (FB)

Four days pala sa El Nido, Palawan si Janine Gutierrez kung saan siya nag-celebrate ng kanyang birthday. Kasama niya ang kanyang mga kapatid at boyfriend na si Rayver Cruz.

Kuwento ni Janine sa kanyang YouTube channel, nagpunta sila doon Oct. 2 at hanggang Oct. 5 sila roon.

Nag-island hopping sila at talagang sinulit nila ang bakasyon.

Sa videos na napanood namin, mistulang official family member na ng mga Gutierrez si Rayver. Kasundo niya ang mga kapatid ni Janine.

Sabagay, always present naman si Rayver sa family gatherings ng mga Gutierrez.

Share This Article
1 Comment