Ayaw ni Vi

Tempo Desk
1 Min Read
VILMA Santos-Recto

 

 

BY ROWENA AGILADA

 

*timing tmg tg

 

Mapanindigan kaya ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang sinabi niyang hanggang Batangas lang ang pagseserbisyo niya bilang public servant? Nakatatlong termino siya bilang mayor ng Lipa, tatlong termino rin bilang governor at matatapos na rin ang termino niya bilang congresswoman.

VILMA Santos-Recto
VILMA Santos-Recto

Noon pa man ay inaalok na siya ng ilang political parties na kumandidato bilang senator o vice-president. Pero tumanggi si Cong. Vi. Ayaw daw niya ng higher position dahil ayaw niyang mawalan ng panahon sa kanyang pamilya.

Sa 2022 presidential elections ay may mga nagsusulong na tumakbo siya bilang presidente. Big NO pa rin kaya ang sagot ni Cong. Vi? Wait and see na lang tayo.

 

Join na rin

KORINA Sanchez
KORINA Sanchez

Join na rin sa TV5 sina Korina Sanchez at ang mag-amang Atty. Jose at Jopet Sison. Heard na ililipat ang “Rated K” ni Korina at “Ipaglaban Mo” ng mag-amang Sison.

Isa-isa nang naglilipatan sa TV5 ang Kapamilya stars. Nauna na sina Pokwang at Jessy Mendiola.

Share This Article
Leave a Comment