Negosyo ni Allan K nagsara na!

Tempo Desk
2 Min Read
ALLAN K

 

BY JUN NARDO

 

*

FRST first timer JUN NARDO

 

TULUYAN na ngang nagsara ang mga comedy bars ni Allan K na Klownz sa Quezon Avenue at Zirkoh sa Timog Avenue, Quezon City dahil sa krisis na dulot ng mapamuksang COVID-19.

Matagal ding naghatid saya sa mga tao ang mga naturang comedy bars, huh!

Nagsilbi itong pangunahing comedy bars sa QC na halos gabi-gabi’y punumpuno ng tao.

Hindi naman kasi matata­waran ang galing ng mga per­formers dito na parating handa magpatawa at magpasaya ng mga tao sa pangunguna ni Allan.

Take note, marami sa ating mga batikang komedyante ang nagsimula ang karera dito.

ALLAN K
ALLAN K

Sa comedy bars ding ito yuma­bong ang angking talento nina Jose Manalo at Wally Bayola, John Lapus, Boobay, Ate Gay, Kim Idol at iba pang stand-up comedians.

Naging concert venue rin ito ng ilang sikat na singers gaya ni Regine Velasquez-Alcasid at Com­edy Queen Ai-Ai de las Alas.

Wala pang katiyakan kung kailan magbubukas ang leisure business kaya minabuti na ni Al­lan at kasosyo na magsara na lang kaysa madagdagan ang gastos sa rent, kuryente at iba pa.

Sarado na ang entablado ng Klownz at Zirkoh pero dahil su­per-talented ang mga stand-up comedians nila, siguradong hindi ito mawawalan ng raket sa mga darating na panahon. Magagagamit at magagamit nila ang kakayahan nilang magpasaya sa mga tao!

Share This Article
Leave a Comment